Thursday, June 21, 2007

Ang Magulong Mundo ni PartyRat3088

Hai, ano ba naman 'tong araw na to? gumising ako ng pagkaagaaga para lang malaman na ang aking i-cocover na event ay cancelled pala. since bago ako dito, isa po akong senior staffwriter sa isang publication sa isa sa mga schools sa Intramuros, yung pinkamaganda ah. Nadisappoint lang ako but on a brighter note, okay lang at least i got to tambay more dito sa bodega. Thanks talaga sa mga unseen forces sa earth kasi nagusap na ulit kami ng someone special ko. 3 days kami hindi nag-usap kasi hindi ako nakapagpaalam sa kanya nung gumimik kami sa Malate. Nakalimutan kong hindi pala ako sa single. I just forgot. Nagdate naman kami kahapon sa Glorietta kasi celebration ng advanced birthday at monthsary namin. Kumain kami sa Sbarro at nanonod ng movie ni Nicolas Cage, "Next", yung title. Ang saya kasi finally we got a chance to talk things out. Kahit hindi kami often magusap these days, i feel secured pa rin na hindi niya ko ipagpapalit. Naks! We love each other too much! Nang-iingit ba sa mga singles?
Bakit nga ba Pathological Liars at bakit 2.0? Kasi po, nag-originate ito sa multiply kung saan lahat ng mga updates sa buhay ko ay andoon at mga pictures ko. Naisipan ko lang na gumawa ng blog kasi may mga friends ako na walang multiply at walang intensyon na magmultiply tulad ng mga taga-bodega na mga ultimate bloggers. 2.0 kasi ito na ang pangalawang installment ng Pathological Liars na gawa ni Partyrat3088. If you happen to drop by my blog, i-link niyo naman ako para hindi ako autistic blogger, thanks! Makakaasa kayo na marami kayong mapupulot.
Disclaimer: ayokong gawing english ang blog ko para mas totoo pero i'll be posting some of my best essays in here!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home