Chronicles of my B-day Bash
Disclaimer: Ang bday ni partyrat3088 ay june 30 pa ngunit dahil sa may outing kami ng mga tagabodega nung day na yun, i decided to throw my bday bash a week earlier
1:30 PM- umalis ako ng bahay to have lunch with my family sa restaurant of my choice. and since roast beef ang fettish ko, we ate sa isa sa mga nagseserve ng da best na roast beef. Sobrang nabusog kami kasi ang laki ng servings. My sister was not there. hindi kasi siya kasundo nila mama and i don't want that special lunch to be a very disastrous one. Ayokong sabihin kung ano ang name ng resto kasi ayokong magendorse. I'm super credible kaya kailangan bayaran muna nila ako.
4:00 PM- Xiempre, it's movie time and since we are all movie fanatics, we watched one. Bordertown, yung kila J-Lo and Antonio Banderas. Napakadepressing ng movie but very thrilling. I didn't get to finish the movie kasi nangungulit ang mga bubuwit (ang mga superfriends ko sa dance troupe).
6:30 PM- Dalidali kong pinuntahan ang mga bubuwit sa walls. Then, sakto pagdating ko may magician na nagro2xam sa intramuros. sinabi ko kay mr.magician na bday ko kea he did a special trick for me. Explain ko kung panu ginawa yung trick. Pinagshuffle niya ko ng imaginary deck of cards at pinabunot niya ako from that imaginary deck of cards. Siyempre, i assumed na may binunot ako dun. Then, he gave me a card and sabi nia,"Yan ata yung card mo." I programmed in my mind na three of hearts ang binunot ko. and then, nung binaliktad ko yung card, it was the same card i programmed in my mind. cool diba?
7:30 PM- tumawag kami ng taxi. originally, sa Abas kami dun sa may malvar. we figured na we arrived too early. wala pang live act and sobrang konti pa lang ang mga tao. we went for a walk along Nakpil. There was a concert there. we watched it for 30 minutes or so. afterwards, kumakalam na daw ang mga tiyan ng mga bubuwit. eh di, nanlibre ako sa tapsihan. since hindi ako anak ni bill gates, wala akong magic wallet na hindi nauubusan ng laman. originally, gusto namin originally na mag-SEX (Siningag Express along Vito Cruz). and since talagang babagsak na ang iba sa amin dun na lang kami sa tapsihan sa may kanto ng malvar. The tapsilog was simply the best.
8:40 PM- bumalik kami sa Abas which is just one block from the tapsihan. Medyo marami na ring tao. Lima palang kami nun, sila Joyce, Jhonna, Erick, Mario at ako. Umuwi na si Joyce after naming kumain kasi ayaw siya payagan na maginuman ng late night. actually, meron pang 3 darating sina Kuya Melvin, Kuya Gem and Kuya Jinno. Apat pala, kasi si Shiela inuna pa yung concert ni Yeng kaysa sa bday bash ko. Ang pagdating ng mga special guests ko ay may-interval ata ng 20 minutes at si shiela ang pinakalate. she was late by 4-5 hours. Umorder na kami ng isang set. Dumating na rin si Kuya Jinno at Kuya Melvin. Siyempre, they all greeted me and sobrang tawanan dahil daming nag-jo2xke. They kept on asking me kung bakit daw hindi ako malungkot gayong wala yung special someone ko on that night. To my baby's defense, nagdate na naman kami beforehand kaya it's okay.
10:00 PM- dahil sa suggestion ni Kuya Melvin na mas mura sa Cart Noodle. lumipat kami. Naka 6 sets kami ng Colt 45 (1 set= 5 bottles). Kanyakanya nang usapan at kulitan. dumating ang friend ni Kuya Melvin na si Kuya Jonjon aka Milenyo. bagyo ba ito? ayun, sobrang kulitan at harutan. ang kulit ng mga lasing, i'm telling you. Masaya naman ang mga pangyayari. i enjoyed it kahit wala si bhebhe. they filled the void! Majority ay nalasing but not me. ganun nga siguro pag ikaw ung may bday, hindi nalalasing.
12:30 PM- dumating na rin si shiela. Tampo muna ako siyempre. Kinantahan niya ako ng Without You ni Mariah Carey at Bukas na lang Kita Mamahalin. Umorder pa 3 bottles. Sige inum pa rin. Kumanta rin pala si Erick ng Sometimes Love Just Aint Enough
2:00- all good things must come to an end. We ended up sleeping in Shiela's condo. hay, nakakapagod!
1 Comments:
weeeeee...
advance hapi bday...
Q(",Q)
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home